top of page

Pangarap

  • Writer: Sinag Publications
    Sinag Publications
  • Jul 28, 2020
  • 1 min read

Updated: Jul 29, 2020

Isang Tulang Likha ni Hannah Flores


Alas-kwatro ng madaling araw, nakatingin ka na naman sa bintana

Natatakot ka na naman ba sa maaring surpresa ng kinabukasan?

Maniwala ka sa akin, walang bagay ang hindi mo kayang makuha

Ibaon mo na sa limot ang kahinaang patuloy kang sinisira

Na sa kamay mo na ngayon ang daloy ng buhay mo

Balang araw, sa iyo sila titingin, nakangiti at pumapalakpak

Dahil wala nang bakas ng pagkatalo sa iyong katauhan

Kaunting tiis, bata, kasama mo ako sa pag-abot ng iyong pangarap.

Alas kwatro ng madaling araw, hindi ka na sa bintana nakatingin

Dahil wala nang rason upang mag-isip

Isang pagbati para sa iyo!

Nalagpasan mo na ang delubyong dulot ng mundong ito.

Photo by Yusuf Kartal B&W SOULVISION

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page