top of page

Saksi

  • Writer: Sinag Publications
    Sinag Publications
  • Jul 28, 2020
  • 1 min read

Updated: Jul 29, 2020

Isang Tulang Likha ni Hannah Flores

Photo from Pinterest

Saksi ako sa nakaraan

Sa mga ngiting kumupas at naglaho

Sa mga luhang tumulo at pinunasan

Sa mga taong dumating at umalis nang wala man lang paalam

Saksi ako sa kinabukasan

Sa mga pangarap na binigyang rason upang abutin

Sa mga binitawang pangako upang tuparin

Sa mga ninanais nating marinig kahit walang ibunubulong

Sa paglisan ng buwan at pagsinag ng araw, doon ko nakita

Kung gaano kabilis ang daloy ng mundong ginagalawan

Paggising ko’y natapos na pala ang lahat.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page